Tuesday, October 13, 2009

ONDOY EXPERIENCE




SEPT. 26, 2009


Got up as early as 515am because I have a 6am serve at our parish.

Pag-uwi ko tinatamad na kong kumilos kse ang lakas ng ulan. Feeling q tlga suspended na ang class sa Grad School but as I texted some friends, may pasok nga daw at sabi ni DR. CASTANO eh may pasok dw kaya aun, sumabay aq kala Abba and Ai papunta UST.

Nag-first subject lang kame, after nun nag-announce na suspended na ang class by 11am.

Nagmamadali kami papunta car park sa takot na baka abutan ng mataas na baha sa UST kse medyo nagstastart na nun...Pero nung paglabas nmen ng parking at pagdating sa commerce bldg, wala na, mataas na baha!

Balik kame sa parking and sabi q kain na muna tau sa pag-aakala na maya-maya eh huhupa na ang baha, mga 1130 nun..

Dumaan ang ala-una, alas-tres, alas-sais... hnd humupa ang baha. Instead kse na humina ang ulan..lalo pang lumakas..

Maya-maya pa, pinatawag na ni ATTY. INOTURAN ang lahat ng students na nakatambay sa may parking for a head count daw..

Nagmistulang evacuation center ang 4th flr ng AMV bldg. Mapalad kami kse classmate nla Abba sa Prod Man ung isang prof sa Acctg, si Candy. Because of her hindi nmen kinailangan makihati sa classroom at CR, sa faculty kami nag-stay.

Buti n lng dn at girlscouts kami nla Abba at nakapag-stock kami ng mga pagkain at inumin. Though its not enough at hindi tlga nakakabusog, at least may pang laman ng onti sa tiyan.

Sobrang kawawa ung mga students. Hindi cla nakapag stock ng food. Tapos ung pakain ng UST eh dumating 10pm na! Imagine, mula 1130am stranded na ung mga students tapos dumating lng food, 10PM NA??? Grabe yang UST!!! Eto pa ung pinaka the best tlga sa mga walang kwentang UST officials eh, sa 1 STYRO, 3 STUDENTS ANG NAGHATI-HATI! Grabe tlga! Its such a SHAME!

Kinabukasan, mga 6am, medyo maaraw na. Kala nmen pwede ng umalis. Pagsilip nmen sa window, hanggang tuhod pa ren ang baha so obviously hindi pa ren kaya ng sasakyan.

Buti na lng ung anak ng boss ni Ai eh may condo sa may Dapitan. Since medyo mababa na nman ung baha, we decide na mag-pedicab papunta dun sa condo para maka-CR man lng na mas matino, makapag shower at makakain ng TOTOONG pagkain. (^_^)

Nag-stay kami sa condo hanggang 3pm and after nun nag-decide na kami na iwan n lng ung sasakyan at mag-commute.

We contact Marson and her sis. Nagkita kami sa may Grad school tapos aun nag-pedicab kami papunta LRT2. Baba kami cubao station then lipat sa MRT. Baba kami Ortigas station tapos nag-grocery kami sa Galle ni Abba.

Hindi nakauwe si Abba sa Taytay kse walang bus. Hinatid na lng niya ko sa jeep.

Finally, after 28 hrs of being stranded, nakauwe na ren ako. Thank God! =)

Salamat sa lahat ng nag-reply sa text, sa mga nag-text, mga tumawag, sa mga comment sa FB. Malaking bagay pala ung mga un sa ganun na sitwasyon.

People I♥:

Mga ka-text mates during the boring stranded hours: Jerome, Reubhen, Odesa, Jaja, Seth and Brian. ♥ you guys!

Mga nangamusta thru text (thanks for remembering and for the concerns): Kris (ang unang-una BPI peepz na nangamusta! ♥you Kris!), Vanessa, Jabee, JM, Drake, Leslie, Marissa, Karol, Issa, Jobelle, Tek and Jona.

Sa mga never ending concerns na twag/text: Juney and Jaylyn. Super thanks! ♥you! *hugs*

Sa mga dumamay sa pagrereply: Ernest, Pat, Art and Ban

Sa mga comments sa FB: Glad (love you Glad, khet malayo ka, I can super feel ur concerns and love--daig pa ung mga nandito Pinas!), Jabee, Teena, Chery, Sam, Juney, Therese and Ces.

Syempre, special thanks to ABBA and AILEEN. Instant bonding ang nangyari! haha

Sobrang thankful for surviving this experience. And sobrang thankful dahil khet sobrang lubog ang Pasig especially Rosario, ung compound lng nmen at mga ilang katabing compund ang hindi inabot ng baha. =)

No comments:

Post a Comment